Pampaliit ng tiyan para sa mga busy: exercise, pagkain, inumin, at medikal na gabay mula sa mga eksperto para sa mas epektibong resulta.
7 min readMaraming naghahanap ng pampaliit ng tiyan para lumiit ang puson, maging mas fit, at mas gumaan ang pakiramdam. Kahit kontrolado na ang pagkain, nananatili pa rin ang bilbil.
Madalas, ang taba sa tiyan ay visceral. Ito ay mas malalim, mas matigas tunawin, at naaapektuhan ng stress at hormones.
Hindi ito simpleng challenge. Kapag matagal na walang epekto ang effort mo, madaling panghinaan ng loob at mawalan ng kumpiyansa sa katawan.
Sa gabay na ito, makakahanap ka ng realistic at epektibong paraan para paliitin ang tiyan; mga simpleng exercise, natural na pagkain at inumin, at medically-guided options na kayang isingit kahit sa abalang schedule mo.
Ang taba sa tiyan ay visceral fat na matagal matunaw at madaling dumami dahil sa stress, pagtanda, hormones, at unhealthy lifestyle.
Ang visceral fat ay uri ng taba na nakapalibot sa mga internal organs sa tiyan at mas mahirap bawasan kumpara sa taba sa ilalim ng balat.1
Ito ay aktibong naaapektuhan ng hormones, partikular na ang cortisol na tumataas kapag may chronic stress, na nagdudulot ng fat storage sa abdominal area.
Habang tumatanda, bumabagal ang metabolism ng katawan. Dahil dito, mas madali ang pagdagdag ng timbang kahit hindi nagbabago ang dami ng pagkain.
Ang kakulangan sa physical activity, puyat, at madalas na pagkain ng processed o matatamis ay lalo pang nagpapabilis ng pagtaba sa tiyan.
Kahit may effort sa diet o exercise, mananatiling mabagal ang progreso kung hindi natutugunan ang mga factor na ito.
Ang pagbabawas ng belly fat ay mas epektibo kapag may tiyak at akmang approach, lalo na kung may gabay ng eksperto.
Hindi pwedeng tunawin ang taba sa isang specific na bahagi lang ng katawan, pero may mga exercise na tumutulong palakasin ang core, i-improve ang posture, at suportahan ang fat-burning process.
Narito ang mga simpleng exercises tips na pwedeng isingit kahit busy ang schedule:
Ang plank ay isang bodyweight exercise na epektibong pinapalakas ang buong core. Kabilang ang abs, lower back, at obliques.
Para sa tamang form, panatilihing tuwid ang katawan mula ulo hanggang heel habang naka-tukod sa siko.
Pwedeng magsimula sa 30 seconds, at kapag nasanay na ang core, unti-unting dagdagan ang tagal kada linggo.
Ang crunches ay core exercise na nakatutok sa upper abs at tumutulong magbigay ng mas firm na itsura habang bumababa ang taba sa tiyan.
Para mas epektibo, mahalagang gawin ito nang tama at kontrolado. Humiga nang tuwid, itiklop ang tuhod, at ilagay ang mga kamay sa likod ng ulo o sa dibdib. Iangat ang dibdib gamit ang core, at huwag hilahin ang leeg para maiwasan ang strain.
Pwedeng magsimula sa 15–20 reps, 2–3 sets, at idagdag sa routine nang araw-araw.
Ang leg raises ay mahusay para i-activate ang lower abs—isang bahagi ng tiyan na karaniwang mahirap i-toned. Narito kung paano ito gawin nang tama:
Sobrang epektibo para sa pagbawas ng overall fat ang cardio exercises tulad ng brisk walking, jogging, o dancing. Pwede itong gawin ng 20-30 minutes, 3-5 beses kada linggo, depende sa schedule at energy level mo.
Hindi sapat ang pag-exercise lang kung gusto mong paliitin ang tiyan. Kailangan din ng healthy diet at lifestyle support.
May mga simpleng pampaliit ng tiyan home remedies na makakatulong sa digestion, bloating, at natural fat-burning ng katawan kapag ginawa nang regular.
Maraming inumin pampaliit ng tiyan ang simple lang isama sa daily routine. Ang mahalaga ay piliin ang mga natural na makakatulong sa digestion at fat burning.
May mga pagkakataon na kahit tuloy-tuloy ang diet at pag-e-exercise, mabagal pa rin ang pagbabawas ng timbang.
Sa ganitong sitwasyon, importanteng tandaan na dapat ang ultimate goal mo ay ang makamit ang healthy weight o body mass index.
Makakatulong dito ang mga medically-approved na solusyon, lalo na kung may tamang gabay mula sa eksperto.
Sa GoRocky, pwede kang makakuha ng sagot at tulong sa pamamagitan ng aming Weight Management program na makakatulong sa overall weight loss.
Sagutan mo lang ang maikling health form para ma review ng lisensyadong doktor. Base sa resulta, bibigyan ka namin ng gabay sa susunod na hakbang para sa iyong kalusugan.
At GoRocky, we're here to help men take charge of their health — confidently, discreetly, and without judgment.

Dr. Rona Canlas is a dedicated general practitioner who graduated from the University of the Philippines - Manila, College of Medicine.





