Anong Gamot sa Pagkalagas ng Buhok?


- Nagsisimula ang pagnipis ng buhok kapag humihina ang hair roots at umiiksi ang natural growth cycle.
- Gumagana ang Minoxidil at Finasteride sa magkaibang paraan — ang isa ay nag-a-activate ng follicles, habang ang isa naman ay nagko-control ng hormone-related thinning.
- Ang pagpili ng treatment ay naka-base sa doctor assessment dahil nakadepende sa kondisyon ng buhok mo.
Numinipis ang buhok kapag humihina ang hair roots at umiiksi oras ng natural na pagtubo ng buhok, kaya mas madaling malagas. Mahalaga ang tamang gamot sa pagkalagas ng buhok para hindi na ito lumala.
May mga napatunayang solusyon tulad ng Finasteride na tumutulong palakasin ang ugat ng buhok at suportahan ang muling pagtubo.
Mas nagiging epektibo ang treatment kapag maagang sinisimulan at tinutugunan ang mga simpleng dahilan tulad ng genetics, stress, pagbabago sa hormones, at kakulangan sa nutrients.
Gamot sa Pagkalagas ng Buhok na Maaaring Makatulong
May ilang pampatubo ng buhok sa poknat na ginagamit para makatulong sa hair thinning at male pattern baldness.
Bago ma-rekomenda ang mga ito, kailangan muna ng health assessment para matukoy kung angkop at ligtas ang gamot base sa kalagayan mo. Iba-iba rin ang response, kaya mahalagang guided ng tamang medical evaluation.
1. Finasteride
Finasteride ay oral medication na iniinom araw-araw. Binabawasan nito ang conversion ng testosterone patungo sa DHT, ang hormone na nagpapahina at nagpapaliit ng hair follicles.2 Kapag mas mababa ang DHT, mas bumabagal ang pagnipis at mas napoprotektahan ang existing follicles. Karaniwang may nakikitang improvement within 3–6 months, pero iba-iba ang epekto bawat tao.
2. Oral Minoxidil
Oral Minoxidil ay oral na version ng Minoxidil, para sa mga gustong iwasan ang topical application araw-araw. Sa halip na i-target ang hormone, nagtatrabaho ito sa pagpapalawak ng blood vessels sa scalp, kaya mas maraming oxygen at nutrients ang nakakarating sa follicles.1
Magkaiba ang approach ng dalawang oral na ito — ang Finasteride ay tumutugon sa hormonal cause, habang ang Oral Minoxidil ay sumusuporta sa circulation ng scalp — kaya maaaring i-reseta ng doktor ang isa o pareho depende sa kondisyon mo.
3. Finasteride & Minoxidil Topical Spray
Finasteride & Minoxidil Topical Spray ay kombinasyon ng parehong active ingredients sa isang topical application. Sa halip na uminom ng hiwalay na tablet, direktang inilalapat ang spray na ito sa scalp, kombinasyon ng dalawang mekanismo (DHT-blocking at follicle stimulation) sa iisang hakbang.3 Maganda itong option kung gusto mong bawasan ang bilang ng gamot na iniinom araw-araw.
4. GoRocky Hair Growth Oil
GoRocky Hair Growth Oil ay haircare product na dinisenyo para i-nourish ang buhok at protektahan ito laban sa damage mula sa heat styling o chemical treatments. Hindi ito kapalit ng prescription treatments, pero nakakatulong itong suportahan ang overall health ng buhok at anit bilang parte ng iyong daily routine.
5. GoRocky Hair Growth Shampoo and Conditioner
Ang GoRocky Hair Growth Shampoo at Conditioner na ito ay dinisenyo para panatilihing malinis at malusog ang scalp, na mahalagang foundation bago pa man mag-focus sa mas targeted na treatments. Gentle ang formulation nila para hindi dagdagan ang stress sa follicles, kaya maganda itong i-pair sa alinman sa mga prescription options sa itaas.
Kung hindi ka sigurado kung alin dito ang pinakaangkop, ang online medical assessment ang magiging gabay mo para malaman ang tamang kombinasyon batay sa kondisyon ng iyong buhok.
Simulan ang Gamot sa Pagkalagas ng Buhok sa Tulong ng GoRocky
Hindi kailangang maging komplikado ang pagharap mo sa hair loss. Sagutan lang ang online assessment at makakuha ka ng rekomendasyon mula sa aming mga licensed doctors.
- Sagutan ang online medical assessment.
- Piliin ang pinaka-angkop na treatment plan para sa’yo.
- Kung suitable, ipapadeliver ang gamot sa’yo kasama ang reseta.
Makakasigurado ka na ang treatment na makukuha mo ay suportado ng mga doktor, discreet at 100% online.
Simulan ang online assessment ngayon!
Frequently Asked Questions
Ang alopecia ay kondisyon kung saan unti-unting numinipis o nalalagas ang buhok na maaaring magresulta sa panot hair (patchy hair loss).
Iba-iba ang dahilan nito tulad ng genetics, stress, o mga uri ng sakit sa anit, kaya magkaiba rin ang tamang approach sa pag-gamot sa pagkalagas ng buhok.
Kung interesado ka rin sa mga produktong tumutulong sa buhok na nagiging manipis na, may hiwalay kaming gabay tungkol sa pampakapal ng buhok.
Nagrereseta ang doktor ng mga treatment para sa hair thinning tulad ng Finasteride o Minoxidil, depende sa cause ng pagnipis. Sinusuri muna ang overall health bago magpasya kung kailangan ba ng treatment at kung alin ang ligtas at angkop para sa’yo.
Pwedeng mangyari ang hair thinning kahit bata pa dahil sa genetics, stress, hormonal imbalance, o mga uri ng sakit sa anit tulad ng dandruff o inflammation.
Kapag hindi na-manage nang maaga, pwede itong magpakita ng mga senyales na tinatalakay namin sa aming gabay tungkol sa paano huminto ang male pattern baldness, kaya mahalagang malaman muna ang totoong cause sa pamamagitan ng medical assessment.
Sa GoRocky, naniniwala kami na may karapatan ang bawat lalaki na maging confident sa sarili at alagaan ang kanyang kalusugan. Kaya kami nag-aalok ng discreet, abot-kaya, at madaling ma-access na solusyon para sa mga issues tulad ng erectile dysfunction, premature ejaculation, weight loss, at paglalagas ng buhok.
Para sa karagdagang katanungan para sa gamot sa pagkalagas ng buhok at iba pang concerns, maaari mong i-contact ang aming friendly customer support team sa [email protected] o sa +63 966 952 8623.
*Ang impormasyong ibinigay sa platform na ito ay para sa mga layuning pang-edukasyon lamang at hindi kapalit ng propesyonal na payo, pagsusuri, o paggamot mula sa mga medikal na eksperto. Palaging kumonsulta sa iyong doktor o ibang kwalipikadong tagapangalaga ng kalusugan para sa anumang katanungan na maaaring mayroon ka tungkol sa isang medikal na kondisyon.
- Minoxidil topical solution or foam. Cleveland Clinic. Accessed January 27, 2025.
- McClellan KJ, Markham A. Finasteride: a review of its use in male pattern hair loss. Drugs. 1999;57(1):111-126. doi: 10.2165/00003495-199957010-00014.
- Chen L, Zhang J, Wang L, Wang H, Chen B. The Efficacy and Safety of Finasteride Combined with Topical Minoxidil for Androgenetic Alopecia: A Systematic Review and Meta-analysis. Aesthetic Plast Surg. 2020;44(3):962-970. doi: 10.1007/s00266-020-01621-5.

Dr. Rona Canlas is a dedicated general practitioner who graduated from the University of the Philippines - Manila, College of Medicine.






