GoRocky Logo
Close-up of a male bald spot with thinning hair.
Home / Blog / Hair HealthHair Loss

Paano Pumili ng Tamang Gamot sa Alopecia?

Tignan kung paano pumili ng tamang gamot sa alopecia at subukan ang mga solusyon tulad ng Finasteride at Minoxidil na nararapat para sa'yo.

7 min read
C
Reviewed by Angelique Tongson, MDChloie RayosoOctober 1, 2024
Key Takeaways
  • Ang alopecia ay sanhi ng pagnipis o pagkawala ng buhok. Karaniwang dahilan nito ay genetics, hormonal imbalance, stress, at kakulangan sa nutrients.
  • Nakakatulong dito ang Finasteride na pinipigilan ang pagliit ng hair follicles at Minoxidil na sinusuportahan ang blood flow sa ulo para mapabilis ang pagtubo ng buhok.
  • Ang Minoxidil ay isang topical solution na ginagamit para sa hair regrowth. Sa pamamagitan ng pagtaas ng blood flow sa hair follicles, pinapasigla nito ang buhok na muling lumago.

Ang paghahanap ng tamang gamot sa alopecia ay isang mahalagang hakbang sa pagharap sa hamon ng pagkawala ng buhok.

Maraming tao ang nahihirapan sa emosyonal na epekto ng pagnipis ng buhok, na maaaring magdulot ng mababang kumpiyansa sa sarili.

Ang mga gamot tulad ng Finasteride at Minoxidil ay napatunayang nakakatulong sa pagpapanatili at pagpapalago ng buhok.

Pero, para makuha ang pinaka-angkop na treatment, mahalaga munang malaman ang sanhi ng alopecia at magpatingin sa doktor.

Sa artikulong ito, malalaman mo ang mga tamang hakbang sa pagpili at paggamit ng gamot para sa alopecia.

Effective at abot-kayang alopecia treatments?Get Started

Ano ang alopecia?

Ang alopecia ay isang kondisyon kung saan ang buhok ay nawawala o nagiging manipis, na maaaring mangyari sa iba't ibang bahagi ng katawan, lalo na sa anit.

May iba't ibang uri ng alopecia, kabilang ang alopecia areata, na sanhi ng autoimmune disorder kung saan inaatake ng katawan ang sarili nitong hair follicles na nagdudulot ng sakit sa anit.1

Ang male pattern baldness o androgenetic alopecia naman ay isa sa mga pinaka-karaniwang uri, na dulot ng mga genetic at hormonal factors.

Ang mga indibidwal na may alopecia ay maaaring makaranas ng biglaang pagkalagas ng buhok o gradual na pagnipis, na nagdudulot ng pisikal at emosyonal na epekto.

Effective at abot-kayang alopecia treatments?Get Started

Paano Pumili ng Tamang Gamot sa Alopecia?

Step #1: Intindihin ang mga dahilan ng alopecia at hair loss.

Genetics at stress

Maraming dahilan ng hair loss na pwedeng makaapekto sa parehong lalaki at babae, pero nangunguna dito ang genetics.

Pag may family history ka ng hair loss o kung may mga kamag-anak ka na may hair loss, mas mataas ang posibilidad na mangyayari ito sa’yo.

Stress ay isang common cause din, at madalas itong nagreresulta sa temporary hair loss, o telogen effluvium.2

Hormonal imbalance

Ang hormonal imbalance ay isa pang dahilan ng hair loss. Sa mga lalaki, ang mataas na levels ng stress hormones, gaya ng cortisol, ay maaari ring makapagpahina sa buhok.

Nutritional deficiencies at medical conditions

Ang nutritional deficiencies, tulad ng kakulangan sa iron o zinc, ay maaari ring magdulot ng problema.

Ang mga medical conditions, tulad ng thyroid issues o alopecia areata, ay ilan pang dahilan na dapat i-consider para sa tamang solusyon.

Male pattern baldness

Ang male pattern baldness, o androgenetic alopecia, ay isang karaniwang dahilan ng pagnipis ng buhok sa mga kalalakihan.

Ang DHT, o dihydrotestosterone, ay isang hormone na nanggagaling sa testosterone at may malaking epekto sa buhok.

Kapag tumataas ang DHT, ito ay nakakaapekto sa mga hair follicles, na nagiging sanhi ng pagliit at pagbagsak ng buhok.

Kadalasan, nagsisimula ito sa mga lalaki sa kanilang late teens o early twenties, at nagiging dahilan ng pagnipis at pagkawala ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng ulo.

Mahalagang magpatingin muna sa doktor upang matukoy ang sanhi ng alopecia at mabigyan ka ng tamang rekomendasyon, lalo na pagdating sa pagpili ng tamang gamot—oral man o topical formulations.

Subukan ang GoFuller bundle: fast and effective for hair growth.Get Started

Step #2: Pumili ng mga effective na gamot sa alopecia.

Finasteride

Isa sa mga unang hakbang sa pag gamit ng gamot pampatubo ng buhok ay ang konsultasyon para malaman kung ang oral na gamot tulad ng Finasteride ang pinakaangkop para sa iyong kondisyon.

Ang Finasteride ay isang gamot na karaniwang inirerekomenda para sa male pattern baldness. Pinipigilan ng Finasteride ang enzyme na nag-k-convert ng testosterone sa DHT.

Pag bumabawas ang DHT levels, pinipigilan ang pagliit ng hair follices, at tumutulong sa pagpapanatili ng buhok.3

Maraming pag-aaral na nagpapakita na ang mga lalaki na gumagamit nito ay nagkakaroon ng mas makapal na buhok para mabawasan na ang pag-s-search mo online sa “Anong gamot sa nalalagas na buhok?” o “Paano maiiwasan ang pagnipis ng buhok?”

Minoxidil

Ang Minoxidil for hair naman ay isang topical solution na ginagamit bilang pampakapal ng buhok.

Sa pamamagitan ng pagtaas ng blood flow sa hair follicles, pinapasigla nito ang buhok na muling lumago. Mahalaga ito lalo na sa mga taong nakakaranas ng initial stages ng hair loss.4

Maraming research na nagpapakita na may visible improvements sa buhok mula sa paggamit ng Minoxidil, tulad ng pagiging mas makapal at mas puno ng buhok.

Effective at abot-kayang alopecia treatments?Get Started

Step #3: Sundin ang tamang dosage at routine ng paggamit.

Ang tamang paggamit ng gamot ay mahalaga upang makamit ang pinakamahusay na resulta at mabawasan ang panganib ng mga side effect.

  1. Para sa Finasteride (Atepros) tablets:

Kung kinakailangan ng 2.5mg na dose, maaari itong makuha sa pamamagitan ng paghati ng 5mg tableta gamit ang pill cutter.

Ang tamang paghati ng tablet ay makakatulong upang makuha ang eksaktong dosis.

  1. Para sa Minoxidil solution:

I-apply ang tamang dami ng solusyon (karaniwan 1 ml) sa anit, partikular sa mga lugar na may manipis na buhok. Dahan-dahang i-massage ang solusyon sa anit upang matulungan itong ma-absorb ng hair follicles.

Huwag banlawan ang anit pagkatapos mag-apply. Upang makuha ang pinakamahusay na resulta, ulitin ito dalawang beses araw-araw.

Ang consistency sa paggamit ay susi upang makamit ang pag-regrow ng buhok.

I-observe ang resulta sa loob ng 3-6 months para makuha ang best results

Mahalagang bantayan ang progress mo sa loob ng 3-6 buwan matapos simulan ang treatment. Sa panahon na ito, maaaring makakita ng mga pagbabago sa density ng buhok.

Ang ilan ay maaaring makaranas ng pansamantalang pagkalagas ng buhok sa simula, ngunit ito ay normal at bahagi ng proseso.6

Laging kumonsulta sa doktor para sa tamang dosage at kung paano gamitin ang mga gamot nang ligtas, lalo na kung gagamitin ang mga ito nang sabay bilang oral at topical treatments.

Subukan ang GoFuller bundle: fast and effective for hair growth.Get Started

GoRocky: Ang tamang solusyon para sa hair loss mo!

Ang GoRocky ay may mabilis at discreet na delivery, kaya't sigurado ang iyong privacy sa maingat na dinisenyong packaging. Nag-aalok din kami ng libreng consultation mula sa mga eksperto para matulungan kang pumili ng tamang treatment.

Mayroon din kaming 100% money-back guarantee kung hindi mo makuha ang inaasahang resulta, at madali lang ang proseso ng online assessment para sa prescription.

I-take na ang aming online assessment ngayon upang ikaw ay matulungan ng aming mga professionals!

Effective at abot-kayang alopecia treatments?Get Started

Frequently Asked Questions

Anong mabisang gamot sa hair loss?+
Ang mga gamot sa hair fall tulad ng Finasteride at Minoxidil ang pinaka-epektibo sa paggamot ng hair loss.+
May gamot ba sa poknat na pwedeng gawin sa bahay?+
Ano ang gamot sa alopecia in females?+
About GoRocky

At GoRocky, we're here to help men take charge of their health — confidently, discreetly, and without judgment.

Angelique Tongson, MD
Angelique Tongson, MDMedical Reviewer · Licensed Physician

Dr. Rona Canlas is a dedicated general practitioner who graduated from the University of the Philippines - Manila, College of Medicine.

More ArticlesView All Articles