October 24, 2024

Ano Ang Alopecia at Paano Ito Magagamot?

Alamin kung ano ang alopecia, mga sanhi, at mabisang treatments upang mapigilan ang pagkalagas ng buhok at mapanatili ang confidence.

A man examines his thinning hair in a mirror while combing it.

Quick Summary

  • Ang alopecia ay isang kondisyon ng pagkalagas ng buhok na maaaring magdulot ng bilugang patches sa anit at iba pang bahagi ng katawan, na maaaring lumala kung hindi agad ma-solusyunan.
  • Ang causes ng alopecia ay ang mga factors tulad ng genes, hormonal imbalance, stress, at kakulangan sa tamang nutrisyon. Ang mga pagbabagong hormonal sa andropause ay lalo pang nakakapag pabilis ng hair loss.
  • Upang mapigilan ang paglala ng alopecia, inirerekomenda ang kombinasyon ng Finasteride at Minoxidil, mga gamot na napatunayang epektibo sa pag-restore ng buhok. Ang maagang paggamot at lifestyle changes tulad ng tamang diet at stress management ay mahalaga para sa mas malusog na buhok.

Maraming nagtataka kung ano ang alopecia at bakit ito nagdudulot ng labis na pagkalagas ng buhok. Ang alopecia ay isang kondisyon ng pagkawala ng buhok na hindi lamang nakakaapekto sa pisikal na anyo, kundi pati na rin sa emotional state at confidence ng isang tao. 

Maaaring mapansin ang mga sanhi ng alopecia na nag fo-form ng maliliit na patches ng pagkakalbo o biglaang pagnipis ng buhok, na kadalasang hindi agad napapansin. Kapag napabayaan, ang kondisyon ay maaaring lumala at magresulta sa mas malaking problema at mas mahirap gamutin na hair loss.

Bawat strand ng buhok ay mahalaga sa pag-build ng self-confidence. Kaya’t kung napapansin mo ang pagnipis ng buhok o pagkakaroon ng kalbong patches, mahalagang gamutin kaagad. Sa tamang regimen at maagang treatment, may malaking possibility na mapigilan ang tuluyang pagkalagas at mapanatili ang kalusugan ng iyong buhok.

Ano ang iba’t-ibang uri ng alopecia?

Ang alopecia areata ay isang kondisyon kung saan may bilugan o patchy na kalbong bahagi sa anit o ibang parte ng katawan. Ito ay dulot ng immune system na tina-target ang hair follicles, kaya’t hindi normal ang pagtubo ng buhok. Ang mas malalang type ng lopecia ay ang alopecia totalis, na nawawala ang lahat ng buhok sa anit, kaya’t nangangailangan ito ng mas tutok at tuluy-tuloy na paggamot.[1]

Ang pinaka-extreme na kondisyon ay ang alopecia universalis, na nagreresulta sa pagkawala ng lahat ng buhok sa buong katawan, kabilang ang pilikmata at kilay. Dahil sa tindi ng epekto nito, importante na aksyonan agad ng maaga upang mapigilan ang paglala at mabigyan ng tamang treatment.

Bakit nagkakaroon ng alopecia ang mga lalaki?

Nagkakaroon ng alopecia o pagkakalbo ang mga lalaki dahil sa iba’t ibang factor. Narito ang mga iba’t-ibang dahilan:

Genes

Ang alopecia ay may malaking kinalaman sa lahi o genes ng isang tao. Kung may family history ng pagkakalbo, mataas ang posibilidad na ito rin ay maranasan. Ang genetic factor na ito ay nagpapasok ng mga gene na nag-se-set ng sensitivity ng buhok sa male hormones o androgens, na nagdudulot ng tinatawag na androgenic alopecia o male pattern baldness.[2]

Hormonal imbalance

Ang mataas na level ng dihydrotestosterone (DHT), isang male hormone, ang nakakaapekto sa hair follicles, lalo na sa mga sensitibo sa DHT. Dahil dito, nagiging mas maikli ang growth phase ng buhok at mas madali itong malagas. Ang imbalance na ito ay lalo pang nagiging matindi sa adulthood, kung saan tumataas ang DHT.

Stress

Ang mataas na stress level ay maaaring magdulot ng kondisyon na tinatawag na telogen effluvium, kung saan mas maraming buhok ang napupunta sa “resting phase” ng hair cycle. Dahil dito, mas maraming buhok ang nalalagas kaysa tumutubo, na maaaring magresulta sa manipis na buhok o alopecia sa paglipas ng panahon.[3]

Maling diet

Ang hindi sapat na nutrisyon, tulad ng kakulangan sa protein, iron, zinc, at bitamina D, ay nakakaapekto sa paglaki at lakas ng buhok. Kapag ang katawan ay hindi nakakakuha ng sapat na nutrients, naapektuhan ang produksyon ng healthy na buhok, at nagiging mas madali itong ma-damage o malagas.

Kakulangan sa pahinga

Ang kakulangan sa tulog ay may malaking epekto sa physical health, kasama na ang buhok. Ang katawan ay nangangailangan ng sapat na pahinga para makapag-regenerate ng cells. Kung kulang ang tulog, humihina ang immune system, na maaaring magdulot ng hair thinning o pagkawala ng buhok, dahil hindi nakakayanan ng katawan ang stressors na nagdudulot ng alopecia.

Ano ang alopecia symptoms?

Ang mga sintomas ng alopecia ay iba-iba at maaaring magsimula sa unti-unting pagkawala ng buhok hanggang sa mas malalang hair loss. [4] Narito ang ilan sa mga Alopecia causes:

Pagkalagas ng buhok sa crown hair

Ito ang pinaka common na sintomas ng alopecia, kung saan unti-unting nalalagas ang buhok sa crown part or top of the head. Sa mga lalaki, kadalasang nagsisimula ito sa hairline na bumabalik sa likod, o receding hairline.

Patching o pagkakaroon ng mga kalbo na bahagi

Ang ilang may alopecia ay nakakakita ng mga maliliit na patches o kalbong bahagi sa anit, balbas, at iba pang bahagi ng katawan. Ang mga patches na ito ay kadalasang bilog at mapapansin agad dahil sa kakaibang form nito.

Pagnipis ng buhok sa buong katawan

Sa ilang kaso ng alopecia, hindi lamang sa anit o ulo ang nagiging kalbo. Ang pagnipis ng buhok ay maaaring mangyari sa buong katawan, kabilang ang balbas, kilay, at iba pang parte na may buhok.

Pangangati o paghapdi ng anit

Bago magsimulang malagas ang buhok, maaaring makaramdam ng pangangati o paghapdi sa anit. Ito ay dahil sa inflammation o pamamaga ng hair follicles na konektado sa alopecia.

Mga simpleng paraan para magamot ang alopecia sa bahay

Iwasan ang stress sa pamamagitan ng tamang lifestyle changes.

Malaking epekto ang stress sa pagkalagas ng buhok, kaya’t mahalaga ang pag-manage sa stress para sa kalusugan ng buhok. Makakatulong ang mga simpleng relaxation techniques tulad ng meditation, yoga, o regular na pag-exercise upang bawasan ang stress. 

Ang sapat na tulog at pag-iwas sa mga bisyo, tulad ng paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak, ay maaari ring makatulong upang mapanatili ang tibay at lakas ng buhok. Ang ganitong lifestyle changes ay hindi lamang nakakatulong sa pag-iwas sa patchy hair loss, kundi pati na rin sa overall health.

Kumain ng mga pagkain na mayaman sa bitamina at mineral.

Ang wastong nutrisyon ay mahalaga para sa malusog na pagtubo ng buhok. Piliin ang mga pagkaing mayaman sa bitamina A, C, D, at E, pati na rin ang mga minerals tulad ng iron, zinc, at omega-3 fatty acids, na napatunayan ng may positibong epekto sa hair regrowth. 

Ang pagkain ng mga gulay, prutas, nuts, at fatty fish tulad ng salmon ay makakatulong upang maging mas makapal at mas matibay ang buhok. Ang mga pagkaing ito ay nagbibigay ng essential nutrients na nagpapalakas ng hair follicles at nagtataguyod ng mas mabilis na hair growth.

Paano mas mabilis gamutin ang Alopecia gamit ang Finasteride at Minoxidil

Finasteride: Epektibong gamot sa Alopecia

Ang Finasteride (Atepros) ay epektibong gamot sa alopecia o sa pagkalagas ng buhok, partikular na sa mga kalalakihan. Tinutulungan nitong bawasan ang DHT (dihydrotestosterone), isang hormone na nagdudulot ng pagnipis at pagkakalbo sa buhok.[5]

Pinipigilan ng Finasteride ang pag-convert ng testosterone sa DHT, kaya’t nababawasan ang hair loss at lumalakas ang hair regrowth. Ito ay kadalasang iniinom araw-araw at may pangmatagalang epekto kapag ginamit nang tama, na siyang napatunayan na mabisa sa pagpapanumbalik ng buhok.

Minoxidil: Pampalakas ng hair follicles

Ang Minoxidil ay isang topical hair growth serum na pinapahid sa anit upang ma-stimulate ang mga hair follicles at palakasin ang pagtubo ng buhok. Kilala ito sa pagpapabilis ng hair regrowth sa mga bahagi na may manipis na buhok o patches. [6]

Pinapalakas ng Minoxidil ang daloy ng dugo sa scalp, kaya mas maraming nutrients ang nakakarating sa hair follicles. Ang regular na paggamit ng Minoxidil ay tumutulong sa mas makapal at mas malusog na pagtubo ng buhok, lalo na kung kino-combine sa Finasteride Atepros.

Bakit mas effective na pagsamahin ang Finasteride at Minoxidil?

Maraming doktor ang nagre-recommend na pagsamahin ang Finasteride at Minoxidil para sa mas mabilis at mas epektibong paggamot ng alopecia, dahil habang pinipigilan ng Finasteride ang sanhi ng hair loss, pinapalakas naman ng Minoxidil ang hair regrowth.[7] 

Para mas maging convenient ang iyong treatment at mapabilis ang pagtubo ng makapal at malusog na buhok, ang GoRocky ay may hair loss solution na naglalaman ng Finasteride at Minoxidil para sa’yo.

Paano makakatulong ang hair loss solutions ng GoRocky para sa Alopecia

Sa GoRocky, nag-o-offer kami ng mga best hair loss treatment for men para mas madali mong mapatubo ulit nag buhok mo!

Napaka-convenient na process at makakapag-enjoy ka ng free & discreet delivery para sa hair loss treatments. May kasama ring libreng online assessment ang proseso, kaya’t madaling makakuha ng tamang rekomendasyon at payo mula sa mga eksperto. Ito ay mabilis at ligtas.

Simulan na ang solusyon sa hair loss! I-take mo na ang online assessment para makuha ang free consultation at malaman mo ang treatment na para sayo through GoRocky.

Frequently Asked Questions 

Ano ang alopecia areata symptoms?

Ang alopecia symptoms ay karaniwang nagdudulot ng bilugan o bald spot in hair. Sa ibang kaso, nawawala rin ang buhok sa mga pilikmata, kilay, o balbas. Ang ganitong uri ng pagkakalbo ay resulta ng autoimmune reaction, kung saan inaatake ng immune system ang hair follicles, kaya’t hindi tumutubo ng normal ang buhok sa apektadong lugar.

Ano ang alopecia areata treatment?

Para sa alopecia areata, may ilang treatment options na makakatulong sa hair regrowth. Kasama rito ang paggamit ng Minoxidil, isang pampatubo ng buhok o topical serum na nagpapasigla ng hair follicles, at Finasteride, na tumutulong sa pagpigil ng DHT para mapabagal ang hair loss. May mga corticosteroid injections din na ini-inject sa apektadong lugar upang mabawasan ang inflammation sa hair follicles at suportahan ang regrowth.

Ano ang alopecia treatment at home?

May mga simpleng home treatments na makakatulong sa pagma-manage ng alopecia. Ang pag-iwas sa stress at pag-maintain ng healthy lifestyle ay may malaking epekto sa hair health. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa bitamina at mineral, tulad ng prutas, gulay, at fatty fish, upang masuportahan ang buhok mula sa loob. Maaari ring subukan ang mga over-the-counter na produkto tulad ng Minoxidil na pinapahid sa anit upang pasiglahin ang pagtubo ng buhok.

Nawawala ba ang buhok sa pilikmata at kilay pag may alopecia?

Bukod sa anit, ang pagkawala ng buhok sa pilikmata at kilay ay isa ring malinaw na senyales ng alopecia areata. Sa ibang kaso, nawawala ang mga buhok sa mga bahaging ito nang sabay-sabay, kaya’t mahalaga ang pagiging observant sa mga bahaging ito. Ang pagkawala ng buhok sa mga pilikmata at kilay ay maaaring makaapekto sa proteksyon ng mata laban sa alikabok at dumi, kaya't mahalagang mabigyan agad ng pansin.

About GoRocky

Sa GoRocky, layunin naming baguhin ang kalusugan ng mga kalalakihan sa pamamagitan ng pagbibigay ng discreet, abot-kayang, at accessible na solusyon para sa mga problema tulad ng erectile dysfunction, premature ejaculation, weight loss, at hair loss. Naiintindihan namin ang bigat ng mga isyung ito kaya’t bawat treatment ay dinisenyo ng may malasakit at expertise upang mabigyan ng suporta at kumpiyansa ang aming mga kliyente.

Higit pa sa paggamot ang aming misyon—nagsusumikap kami na baguhin ang kultura ng kalusugan ng kalalakihan, ine-encourage  sila na alagaan ang kanilang sarili nang walang alinlangan. Sa pamamagitan ng simple at madaling online assessment at discreet delivery, ginagawang madali ng GoRocky ang pag-access sa mga epektibo at medically-backed na treatments para mapataas ang kumpiyansa at kalidad ng buhay.

Take the first step towards better health and confidence with GoRocky’s discreet, expert-backed treatments. Start your quick online assessment today!

*Ang impormasyong ibinigay sa platform na ito ay para sa mga layuning pang-edukasyon lamang at hindi kapalit ng propesyonal na payo, pagsusuri, o paggamot mula sa mga medikal na eksperto. Palaging kumonsulta sa iyong doktor o ibang kwalipikadong tagapangalaga ng kalusugan para sa anumang katanungan na maaaring mayroon ka tungkol sa isang medikal na kondisyon.

[1] Al Aboud, A. M., Syed, H. A., & Zito, P. M. (2024, February 26). Alopecia areata. In StatPearls. StatPearls Publishing.

[2] Ho, C.-Y., Wu, C.-Y., Chen, J. Y.-F., & Wu, C.-Y. (2023). Clinical and genetic aspects of alopecia areata: A cutting edge review. Genes, 14(7), Article 1362. PubMed.

[3] Minokawa, Y., Sawada, Y., & Nakamura, M. (2022). Lifestyle factors involved in the pathogenesis of alopecia areata. International Journal of Molecular Sciences, 23(3), Article 1038. PubMed.

[4] Cleveland Clinic. (2023, August 30). Alopecia areata. Cleveland Clinic.  

[5] McClellan, K. J., & Markham, A. (1999). Finasteride: A review of its use in male pattern hair loss. Journal of Clinical Endocrinology & Metabolism, 84(2), 344-348.

[6] Suchonwanit, P., Thammarucha, S., & Leerunyakul, K. (2019). Minoxidil and its use in hair disorders: A review. Drug Design, Development and Therapy, 13, 2777–2786.

[7] Chen, L., Zhang, J., Wang, L., Wang, H., & Chen, B. (2020). The efficacy and safety of finasteride combined with topical minoxidil for androgenetic alopecia: A systematic review and meta-analysis. Aesthetic Plastic Surgery, 44(3), 962–970.

We are here to help.

Start your consultation
with GoRocky today.